-- Advertisements --
Itinalaga bilang pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) si Davao City Mayor Baste Duterte.
Sa isinagawang PDP National Council Meeting , ay nagkasundo ang mga party leaders at miyembro ng national council na italaga ang alkalde ng Davao City.
Naniniwala sila na maipagpapatuloy ni Duterte ang layunin ng PDP na patuloy na maglingkod sa mamamyang Pilipino.
Ibinahagi naman ni Senator Bong Go ang ilang mga larawan sa panunumpa ni Duterte.
















