Idineklara ng matinding magkaribal na sina Mexican boxing star na sina Saul “Canelo” Alvarez at Kazakhstan boxer Gennady “GGG” Golovkin na giyera ang mangyayari sa ikatlong pagtutuos nila ngayong Linggo doon sa Las Vegas.
Apat na mga korona sa super middleweight division ang ipupusta ni Alvarez.
Ito ay ang belt sa IBF, WBA, WBC at WBO title.
Ayon kay Alvarez, 32, puspusan ang ginawa niyang paghahanda para makamit muli ang panalo dahil nais niyang pagretiruhin ang 40-anyos na karibal na si Golovkin.
Kung maalala ang four-weight champion na si Alvarez ay una nang tinalo sa rematch si GGG at sa unang laban naman nila ay nauwi sa draw.
Sa weigh-in pa lamang kanina, jampacked na ang mga fans na bumuhos sa T-Mobile Arena kahit bukas pa ang 12-round championship fight.
Sa ginanap ma weigh-in medyo mabigat ang Kazakstan fighter na tumimbang sa 167.8 pounds, habang si Alvarez ay mas magaan sa 167.4 pounds. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)