-- Advertisements --
OFWs OFW NAia cacdac

Umapela ang isang Senador sa Department of Migrant Workers na maglatag ng preemptive measures para sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan sakaling lumala ang krisis sa hinaharap.

Ito ay kasunod na rin ng pagpapadala ng China ng warships at aircraft kasunod ng pakikipagpulong ni Taiwanese President Tsa ing-wen kay United States House Speaker Kevin McCarthy na nagdulot ng tensiyon sa rehiyon.

Ayon kay Senator Bong Go, kailangang gumawa ng mga hakbang upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFWs sa Taiwan kabilang ang pagkakaroon ng preemptive measures gaya ng alternatibong kabuhayan at repatriation plans.

Nanawagan din ang mambabatas sa Department of Foreign Affairs, DMW at iba pang concerned agencies para maigting na imonitor ang sitwasyon at magbigay ng tulong sa mga OFW na maaaring maapektuhan ng military drills.

Ayon sa datos ng Department of Migrant Workers (DMW), aabot sa halos 150,000 OFWs ang kasalukuyang nasa Taiwan

Una ng inanunsiyo ng Eastern Theater Command ng Chinese military na naglunsad ito ng tatlong araw na military drills sa bisinidad ng Taiwan.