-- Advertisements --
image 146

Muling hinimok ni Senador Imee Marcos si dating Senador Leila de Lima na sumailalim sa medical checkup at tanggapin na ang alok ng Department of Justice (DoJ) at Philippine National Police (PNP) na extended home furlough.

Nag-aalala raw kasi si Sen. Marcos ang kapwa nito Kabataang Barangay noon lalo na sa kalusugan at kaligtasan ng dating mambabatas.

Maging si Senate Majority Leader Joel Villanueva ay nanawagan na rin nang agarang paglilipat kay De lima sa isang mas ligtas na pasilidad.

Paliwanag ng senador, nakakagulat daw ang pangyayari at pinagpapasalamat nitong ligtas ang dating senador.

Pinagdadasal rin ng senador ang mabilis na paggaling ng pulis na nasaksak sa tangkang pagtakas at pangho-hostage kay De Lima.

Sa huli, pinuri ng Majority Leader ang Pambansang Pulisya sa mabilis nilang aksyon sa insidente.

Dapat na aniyang higpitan ang safety at security ng persons under police custody (PUPCs) at ng mga tauhan sa mga detention facilities.