Kung noon, dismayado lamang ang Alliance of Concerned Teachers in the Philippines sa Department of Education (DepEd), ngayon, galit na ang grupo kasunod ng pagsabog ng isyu ng biniling mga outdated at mahal na laptops para sa mga guro.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Vlademir Quetua, national chairperson ng nasabing grupo, sinabi nito na nabawasan na ang kanilang sahod noong nakaraang mga taon dahil binili ng mga gamit ngunit ito pa ang nangyaring problema.
Pinintasan naman nito ang mabagal na procured laptops dahil nga outdated ang processor na Intel Celeron.
Sa ngayon, naghugas ng kamay ang DepEd at tinuro sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) ang isyu sa binili na P2.4 billion na halaga ng lumang model ng laptop.
Nadagdagan pa ang pagkadismaya ni Quetua dahil sa State of the Nation Address (SONA), hindi man lamang nila narinig mula kay President Bongbong Marcos na dagdagan ang sahod ng mga guro.