-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Sinimulan ng ng all women Mobile force Company ang pagtatalaga ng kanilang mga tauhan na magsasagawa ng patroling sa Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Abigail Jane Bautista, hepe ng All women mobile Force company, sinabi niya na sa ngayon ay puspusan ang pakikipag-ugnayan nila sa mga opisyal ng barangay sa kanilang nasasakupan.

Aniya kasabay ng pagkakabuo ng All women mobile Force company ay inilunsad nila ang project win (Women Information Networking) na layuning magbigay ng mga karagdagang impormasyon kaugnay sa mga karapatan ng mga kababaihan.

Inilunsad rin nila ang Project Human o Help for the Uniformed Personnel Mandated to Respect, Protect and fullfil human right extended among Neighborhood na layuning makapagbigay ng tulong sa kanilang mga nasasakupan.

Aniya sa ilalim ng programa ay pipili sila ng limang pamilya na kanilang binigyan ng tulong.