Pumayag na si six-time All-Star forward Blake Griffin sa isang kasunduan para maglaro sa Brooklyn Nets hanggang sa pagtatapos ng kasalukuyang season.

Ayon sa mga sources, lumagda si Griffin ng kontrata sa Nets na may presyong veteran’s minimum.

Inaasahang palalakasin ni Griffin ang support crew ng Brooklyn na kinatatampukan nina James Harden at Kyrie Irving.

Si Kevin Durant naman ay hindi pa ulit makalaro dahil sa tinamong injury.