ROXAS CITY – Dahil sa delayed na distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP) ay nag-isyu ng show cause order ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang alkalde ng bayan ng Dumalag, Capiz na si Mayor Eriberto Castro Jr.,

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo ay kabilang si Mayor Castro sa 11 mga local chief executives sa Western Visayas na inisyuhan ng show cause order ng ahensiya.

Kasama ni Castro ay sina Iloilo City Mayor Jerry Treñas, Mayor Carina Flores ng Oton, Iloilo, Mayor Geefre Alondase ng Alimondian, Iloilo, Mayor Roquito Tacsagon sang Tubungan, Iloilo, Mayor Maria Lina Holipas ng Leon Iloilo, Mayor Suzette Alquisada ng Tigbauan, Iloilo, Mayor Abencio Torres ng Makato, Aklan, Mayor Josephine Iquiña ng Malinao, Aklan, Mayor Rigil Kent Lim ng Caluya, Antique.

Binigyan ng 48 oras ang nasabing mga local chief executives na magbigay ng paliwanag sa delayed na distribusyon ng nasabing ayuda.