-- Advertisements --
CEBU – Humihingi ng panalangin sa publiko si Mandaue City Mayor Jonas Cortes matapos itong nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID).
Sa pamamagitan ng Facebook post ng alkalde, inihayag nito na positibo ang resulta ng kanyang swab test noong nakaraang araw.
Napag-alaman na nagpasuri ang alkalde matapos nakaranas ng ilang sintomas ng COVID-19.
Isinailalim na sa ngayon sa isolation ang alkalde habang patuloy na minomonitor ng kanyang mga doktor ang kalusugan nito.
Hinimok naman nito ang publiko na patuloy na tumalima sa mga health and safety protocols upang makaiwas sa nakakamatay na virus.















