Matapos ang halalan, tuloy pa rin ang palitan ng mga maaanghang na salita ng magkapatid na sina reelectionist Sen. JV Ejercito at dating Sen. Jinggoy Estrada s social media.

Ilang oras bago mag-concede sa senatorial race si Estrada, nag-tweet si Ejercito na siya pa rin daw ang maituturing na “The Good One.”

Tila pasaring ito ni Ejercito sa kanyang kapatid na nauna nang nag-post na si incumbent Sen. Nancy Binay ang “better person” daw sa huling slot sa Magic 12 sa senatorial race.

Nabatid na lamang si Binay kay Ejercito ng mahigit 220,000 votes para sa final slot, batay sa partial at unofficial results ng Comelec data hanggang kaninang umaga.