Reading Time: 1 minute

Binigyang-diin ng TV host na si Alex Gonzaga na hindi siya sumingit siya sa immigration line sa airport.

Ito’y matapos maging usap-usapan ang post ng isang netizen kung saan siningitan daw ng comedianne/vlogger ang kanyang kaibigang buntis.

Pero ayon sa 31-year-old actress, mayroon lamang nagbukas na bagong counter at inanyayahan siyang gumawa ng bagong pila lalo’t kasama pa niya ang kanyang magulang na parehong senior citizen.

Inamin naman ng kapatid ni Toni Gonzaga na lumapit at kinausap daw sila ng pasaherong buntis kung saan kanila naman itong pinauna.

“There was no issue. Nakakalungkot kailangan nya palakihin. Anyway, I said my piece. Off to positivity and enjoy my trip,” saad ng nakakabatang Gonzaga. (solidgonzagas IG photo)