-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals ng W60 Nantes sa France si Pinay tennis player Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin niya si Zeynep Sonmez ng Turkey sa score na 7-6(5) at 6-4.
Sa unang set ay bahagyang nahirapan ang 18-anyos na si Eala bago makuha ang 5-4 na advantage.
Naulit din ito sa ikalawang set kung saan nakalamang pa ng 4-1 ang 21-anyos na tennis player mula sa Turkey.
Susunod na makakaharap ni Eala si third seeded player Leolia Jeanjean ng France.