-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Women’s Tennis Association 125 Lexus Ilkley Open si Alex Eala.

Nadomina ng Pinay tennis star si Valentina Ryser ng Switzerland sa score na 6-1, 6-2 sa laro na ginaganap sa Great Britain.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na makapasok sa grass court na isang paghahanda para sa pagsabak nito sa Wimbedon na magsisimula sa huling bahagi ng buwan.

Mabilis na malusutan ni Eala ang 2-2 na tabla sa ikalawang set hanggang maipanalo nito ang apat na sunod na laro.

Magugunitangunang tinalo ni Eala si Lizette Cabrera ng Australia sa score na 7-6(4), 6-3.

Ang ranked 77 na si Eala ay unang hindi nagtagumpay sa French Open ganun din ang maagang pagtatapos ng kampanya niya sa Birmingham Open ngayong buwan.

Susunod na makakaharap ni Eala si Rebecca Marino ng Canada.