Tuluyan nang bumaba ang world ranking ng Filipina tennis player na si Alex Eala matapos ang kaniyang Round of 16 exit sa Miami Open 2026.
Nabigo ang Pinay star na ulitin o higitan ang semifinals appearance noong 2025, kaya’t nawala ang dating puntos na nakadagdag sa kaniyang ranking.
Umabot sa 270 points ang nawala sa kaniya dahil dito.
Batay sa opisyal na singles ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) nitong Marso 30, hawak na ni Eala ang rank No. 45.
Mas mababa ito ng 16 na puwesto mula sa career-high No. 29 na naabot niya dalawang linggo na ang nakalipas.
Itinuturing itong pinakamalaking pagbagsak sa WTA rankings ngayong linggo.
Muli namang sasabak si Eala sa mga susunod na kumpetisyon sa Clay Season simula Abril, kung saan inaasahang makabawi at muling makapag-angat ng kaniyang world ranking.
















