-- Advertisements --
Magandang simula para sa partnership nina Alex Eala at Coco Gauff sa 2025 Italian Open, nang magwagi sila ng 6-3, 6-1 laban kina Alexandra Panova ng Russia at Fanny Stollár ng Hungary sa kanilang unang doubles match noong Sabado.
Sa kabila ng maagang 2-2 deadlock sa unang set, nagpatuloy ang silang umangat at nanalo ng tatlong sunod-sunod na laro, na nagbigay daan sa kanilang mabilis na pag-kapanalo.
Ang tagumpay ay isang magandang pagbangon para kay Eala matapos ang kanyang pagkatalo kay Marta Kostyuk sa singles tournament.
Samantala, susunod nilang makakalaban ang nanalo sa pagitan nina Tyra Grant at Lisa Pigato ng Italy at Irina Khromacheva at Anna Danilina ng Russia at Kazakhstan.