Opisyal nang napagdesisyunan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na panatilihin ang pagpapatupad ng mga COVID-19 alert system sa bansa.
Ito ay matapos ang kaniyang isinagawang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) kahapon.
Ayon sa pangulo, ang naturang pagpapalawig pa sa pagpapatupad ng alert level system sa bansa ay kinakailangang tumugma sa kasalukuyang mas magaang sitwasyon ng pandemya sa bansa.
Dahilan kung bakit kasabay nito ay nagsasagawa na rin aniya sila ng masinsinang pag-aaral hinggil naman sa mga bagong health restrictions classification na kanilang ipapatupad kung saan posibleng alisin ang kasalukuyang mga pahihigpit sa mga alert levels.
Samantala, kaugnay nito ay iniulat naman ni DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire na sa ikalawang linggo ng buwan ng Agosto posibleng makabuo ang kanilang kagawaran ng bagong alert level classification.