Inirekomenda ng PH emassy sa Israel na panatilihin na lamang ang Alert level 1 sa israel.
Ito ay matapos na mabawi ng Israeli defense forces ang kontrol sa mga lugar na inatake ng militanteng Hamas nitong nakalipas na araw.
Base sa pinakabagong advisory mula sa PCO, sinabi ng PH embassy sa Israell na kasalukuyang nasa alert leevl 1 sa Israel.
Kayat hindi ipinagbabawal ang movement sa naturang bansa maliban na lamang sa specific areas na sentro ng giyera na nasa bisinidad ng border ng Gaza strip.
Bagamat nananatiling bukas aniya ang Ben Gurion Airport, tanging 50% lamang ng air carriers ang bumabiyahe patungo at palabas ng Israel. Hindi din aniya kailangan ang repatriation mulasa Israel.
Una na ngang inirekomenda ng PH Embassy sa Jordan na ilagay sa Alert level 3 ang Gaza para payagan ang boluntaryong evacuation ng mga Pilipino sa lugar kung saan nasa 137 Pilipino na may asawang Palestinian nationals ang nananatili sa Gaza