-- Advertisements --
guadiz

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa isyu ng korupsiyon laban kay LTFRB Teofilo Guadiz III.

Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista kahit pa muling ibinalik bilang LTFR chief si Guadiz epektibo ngayong araw base na rin sa kautusan ni PBBM.

Paliwanag pa ng DOTr chief, ang naturang imbestigasyon ang magiging basehan nila para sa pinal na desisyon sa alegasyon laban kay Guadiz.

Binanggit din ni Bautista na nakasaad sa kautusan mula sa Office of the President, walang rason para ilagay si Guadiz sa ilalim ng preventive suspension maliban na lamang kung may supervening event na nagpaparatang parehong aksusayon laban kay Guadiz ay inihain sa kaniyang tanggapan.

Nag-ugat ang paratang ng katiwalian laban kay Guadiz matapos akusahan ng dating empelyado ng LTFRB na si Jeff Tumbado si Guadiz at iba pang ma opisyal ng DOTr at Malacanang ng pagtanggap ng malaking pera kapalit ng prnagkisa, ruta, special permits at iba pang mga dokumento mula sa ahensiya. Usablit binawi naman nito kalaunan ang kaniyang salaysay.