-- Advertisements --
Nagkampeon sa Indian Wells tennis si world number two Carlos Alcaraz.
Tinalo nito si Daniil Medvedev sa score na 7-6(7/5), 6-1.
Ito ang unang titulo ni Alcaraz mula ng magwagi siya Wimbledon noong Hulyo ng nakaraang taon.
Siya rin ang repeat winner sa Indian Wells mula noong nagwagi ng tatlong beses si Novak Djokovic mula 2014 hanggang 2016.
Sinabi nito ng 20-anyos na Spanish tennis star na sa una ay maraming mga nagduda sa kakayahan niya hanggang napatunayan niya ang kaniyang lakas sa nasabing torneo.