-- Advertisements --

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chiec police Gen. Oscar Albayalde na walang halong pulitika ang isinusulong na “Expanded Wiretapping Law.”

Iginiit ni Albayalde na susi ang amiyenda ng Human Security Act para matunton ang koneksyon at pinanggagalingan ng financial support ng mga teroristang grupo.

Ito’y taliwas sa mga agam-agam na baka magamit ng mga kritiko ng administrasyon ang isinusulong na batas.

Ayon sa opisyal, tiyak na hindi mako-kompromiso ang panukalang batas dahil may “safeguards” na ilalaan ang gobyerno rito.

Kayo ng PNP chief sa mga kritiko ng hakbang, huwag sana negatibo ang maging tingin sa nais ng panukalang batas.

“These laws are meant to address terrorism, criminality. Hindi po ito to address political rivalry na naman. I-out po natin itong mentality na ganito.Wala pong political color ito. Sino ba nagsasabi ng ganun, baka yung may problema lang din ano pero ito sabi ko nga itong mga batas na ito ginagawa natin to attain peace and security in our country,” paliwanag ni Gen. Albayalde.