-- Advertisements --
Nakuha ng Meralco Bolts ang unang panalo sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup matapos talunin ang Alaska Aces 93-81.
Nagtala ng 17 points si Allein Maliksi habang mayroong 15 points naman ang nagawa ni Baser Amer.
Naging magaan naman ang loob ni Meralco coach Norman Black sa panalo dahil isang malaking hamon para sa mga team ang bubble game na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.
Pinuri ni Black sina Jeron Teng at Vic Manuel ng Aces dahil gumana ang kanilang depensa.
Ito naman ang pangalawang sunod na talo ng Aces.