-- Advertisements --

 Nabigo ang Alas Pilipinas men’s volleyball team na makuha ang kanilang unang panalo matapos silang talunin ng China sa straight sets sa 2026 Asian Games na ginaganap sa Japan.

Nagtapos ang laban sa iskor na 25-21, 25-20 at 25-22 pabor sa China.

Sa kabila ng pagsisikap ng Pilipinas na makasabay sa bawat set, hindi nito napigilan ang China na kontrolin ang mahahalagang bahagi ng laro at tuluyang selyuhan ang panalo.

Dahil sa pagkatalo, nananatiling walang panalo ang Alas Pilipinas sa torneo, hawak ang 0 win at 2 loss na standings matapos ang dalawang laban.

May isa pang pagkakataon ang Pilipinas upang makabawi sa kanilang susunod na laban kontra Chinese Taipei, mahalaga ang magiging resulta ng naturang laro dahil dalawang koponan lamang mula sa bawat pool ang uusad sa quarterfinals.