-- Advertisements --

Nagtapos sa pang-19 na puwesto ang Alas Men’s volleyball team sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship.

Nagtala kasi ng kasaysayan ang men’s volleyball team ng talunin nila ang Egypt at ang muntikan ng panalo laban sa Iran para maging third place sa group stage.

Nasa ranked 18 ang France habang ang Brazil ay nasa pang-17.

Nahigitan din ng Pilipinas ang mga powerhouse team na Cuba na nasa pang-20 habang ang Germany ay nasa pang-21 at ang highest-ranked sa Asya na Japan ay nasa pang-23.

Sa kasalukuyan ay nasa ranked 81 sa buong mundo ang Pilipinas.