Simula bukas ng alas-6:00 ng umaga, asahan ang adjustments sa presyo ng produktong petrolyo ng ilang kompanya ng langis.

Batay sa inilabas na advisory ng oil companies, asahan ang bawas na P0.20 sa kada litro ng gasolina, at dagdag na P0.25 sa kada litro ng diesel nang Seaoil, Petro Gazz, Flying V, Shell, at Phoenix Petroleum.

Sa kerosene naman, dagdag na P0.80 kada litro ang dapat asahan ng mga motorista na magkakarga ng langis mula sa Seaoil, Flying V, at Shell.

Samantala, ngayong araw nagsimulang mag-rollback ang presyo ng mga liquefied petroleum gas (LPG).

Ang produktong Solane ay kumambyo ng P0.27 per kilo. Ang LPG naman ng Petron at Phoenix LPG Philippines ay nag-rollback ng P0.30 per kilo.

Nagkakaiba lang ang dalawa sa rollback ng AutoLPG na nasa P0.17 kada kilo sa Petron, habang P0.15 per kilo sa Phonenix LPG Philippines.

Ayon sa Department of Energy, tinatayang nasa pagitan ng P493 hanggang P689 kada 11-kilo cylinder ang presyo ng mga LPG sa Metro Manila noong April 1.