Inaprubahan na rin ng Department of Tranportation (DOTr) ang panukala ng Philippine National Railways (PNR) na suspensyon muna sa kanilang operasyon sa gitna ng hagupit ng Super Typhoon Rolly.
Una nang nag-anunsyo si MRT (Metro Rail Transit) Director for Operations Michael Capati sa tigil operasyon muna ng MRT 3 matapos ideklara ang signal No. 4 sa Metro Manila.
Pareho rin ang anunsyo ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na pagpapatigil muna sa operasyon ng LRT (Light Rail Transit) Line 1, at LRT Line 2.
Samantala, umabot sa 38 flights mula sa iba’t ibang airlines ang kinansela ng Manila International Airport Authority (MIAA), ngayong November 1 o nataong kasabay ng All Saints’ Day.
Ito’y dahil na rin sa pagsasara muna ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa loob ng 24 oras sa lahat ng uri ng flight operations, epektibo alas-10:00 kaninang umaga.
Narito ang listahan ng cancelled flights:
Terminal 1–
Philippine Airlines
PR 102 Manila-Los Angeles
PR 110 Manila-Guam
PR 300 Manila-Hong Kong
Terminal 2–
Philippine Airlines
International Flights
PR 103 Los Angeles-Manila
PR 301 Hong Kong-Manila
PR 411 Osaka Kansai-Manila
PR 421 Tokyo Haneda-Manila
PR 425 Fukuoka-Manila
PR 427 Tokyo Narita-Manila
PR 502 Singapore-Manila
PR 5655 Riyadh-Manila
Philippine Airlines
Domestic
PR 1859/1860 Manila-Cebu-Manila
PR 2041/2042 Manila-Caticlan-Manila
PR 2132 Bacolod-Manila
PR 2522 Cagayan de Oro-Manila
PR 2784 Pagadian-Manila
PR 2935 Butuan-Manila
PR 2985/2986 Manila-Tacloban-Manila
PR 2970 Kalibo-Manila
PR 2997/2998 Manila-Zamboanga-Manila
Terminal 3 (Etihad Airways)
EY 424/423 Abu Dhabi-Manila-Abu Dhabi
Cebu Pacific
5J 787/788 Manila-Butuan-Manila
5J 391/392 Manila-Cagayan de Oro-Manila
5J 562 Cebu-Manila
5J 704 Dipolog-Manila
5J 772 Pagadian-Manila
5J 653/654 Manila-Tacloban-Manila
CebGo
DG 6242 Caticlan-Manila
DG 6024/6025 Manila-Cauayan-Manila
Tatagal ang NAIA closure hanggang bukas ng alas-10:00 din ng umaga, November 2 o Araw ng mga Kaluluwa.