-- Advertisements --

Bukod sa Rizal Memorial Coliseum, PICC at World Trade Center na nakatakda ng magbukas bilang quarantine facility, ilang lokal na pamahalaan na rin daw sa bansa ang gumawa ng inisyatibo para magtayo ng sarili nilang pasilidad.

“Kabilang sa mga lugar na nagtatayo ng community quarantine center ang: Albay, Baguio, Ilocos Norte, Makati, Pasig, Quezon City, San Juan, Sorsogon, Valenzuela at Zambales.”

Nilinaw naman ni Health Sec. Francisco Duque na hindi babawasan ng healthcare workers ang mga ospital kasabay ng pagbubukas ng tatlong malalaking quarantine facilities.

Magkakasama raw ang pwersa ng Department of Health, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na magmamando ng nabanggit na pasilidad.

Nagpaala naman ang kalihim sa mga dapat tandaan ng local government units sa pagtatayo ng community quarantine facility.

“(Kailangan ng) lokasyon, access sa mga ospital, infrastructure requirements para sa tamang distancing ng mga pasyente, mga kinakailangang gamot at ibang supplies, maging ang bilang ng healthcare workers na kailangang mamahala sa mga ito, at iba pang pangangailangan.”