-- Advertisements --

Malakas ang paniniwala ng mga eksperto sa United States na nalampasan na ng bansa ang peak ng coronavirus infection.

Dahil dito ay iba’t ibang pinuno na ng mga estado ang pinaplantsa na ang kanilang plano na luwagan ang ipinatutupad na social distancing para sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya.

Simula ito noong tuluyan nang nagtapos ang “Stay at Home” order ni US President Donald Trump kung saan kani-kaniyang adjustment na ang ginagawa ng mga state governors.

Narito ang ilang estado sa Amerika at kanilang paghahanda para sa pagbubukas ng kanilang ekonomiya:

Alabama – Kaagad na dinumog ng mga mamamayan sa Alabama ang tabing-dagat at mga retail stores matapos mag-expire ang ipinatupad na “Safer At Home” order ni Gov. Kay Ivey noong April 28.

Balik-operasyon na rin ang mga elective at non-emergency medical procedures ngunit hindi pa pinapayagan na magbukas ang mga salon, on-site restaurant dining at iba pang lugar sa Alabama alinsunod sa inilabas na bagong health order sa naturang estado.

Batay kasi sa bagong panukala ay 50% lamang ng occupancy level ang papayagan sa pagbubukas ng mga retail business at kailangan pa rin nitong sumunod sa social distancing at sanitation measures.

Mananatili namang take-out order at delivery ang papayagan para sa mga restaurants, bar at breweries.

Nakatakdang matapos ang “Safer at Home” sa May 15.

Alaska – nagsimula na ring magablik-serbisyo ang mga restaurants sa estado ng Alaska kung saan pwede na ang dine-in service simula noong April 27.

Kasabay nito ay ang muling pagbubukas ng mga personal care services tulad ng mga barber shops at salon.

Naglabas naman ng health orders sina Gov. Mike Dunleavy at mga health officials sa naturang estado bilang parte ng “Reopen Alaska Responsibility Plan.”

Arizona – Kailangan pang magtiis ng mga mamamayan sa nasabing estado hanggang May 15 bago tuluyang bumalik sa kanilang normal na pamumuhay.

Ayon kay Gov. Doug Ducey, maaaring ipagpatuloy ng mga negosyo sa Arizona ang in-person sales simula May 8 ngunit papayagan lamang ang mga ito sa oras na mayroon silang sariling safety protocols na ipapatupad para labanan ang pagkalat ng virus sa kanilang lugar.

California – papayagan naman ni Gov. Gavin Newsom na agbukas ang ilang nasa ilalim ng business sector, tulad ng retail at manufacturing, sa oras na maging plantsado na ang testing capability ng estado at maging tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kanilang kaso.

Delaware – Hindi naman nais ng Delaware na tuluyang buksan ang kanilang ekonomiya dahil sa takot na muling tumaas ang kaso ng impeksyon sa estado.

Hinihikayat naman ni Gov. John Carney ang bawat mamamayan nito na magsuot ng face mask kung pupunta sa mga pampublikong lugar.

Florida – nilatag ni Florida Gov. Ron DeSantis ang kanilang plano na unti-unti nang buksan ang ekonomiya ng Florida kung daan pananatilihin ang pagpapatupad ng social distancing sa mga eskwelahan.

Sinabi ni DeSantis na ang unang balakid na dapat malampasan ng kanilang mamamayan ay ang “fear of the unknown, fear of the doom-and-gloom hysteria.”

Papayagan din na muling magbukas ang mga restuarant ngunit kinakailangan na sa labas lamang ang mga upuan at pananatilihin ang six feet social distancing habang 25% lamang ng normal capacity ang pahihintulutan para sa indoor seating. Ganito rin ang paiiralin sa mga indoor retail business.

Gayunman ay ipagbabawal pa rin ang ang pagbisita sa mga senior living facilities, pagbubukas ng mga bar, gym at personal service providers tulad ng parlor.

Magiging epektibo sa Mayo 4 ang mga bagong patakaran ngunit hindi kasali rito ang Miami-Dade, Broward at West Palm counties.

Hinihikayat naman ni DeSantis ang lahat ng taga-Florida na sundin lamang ang social distancing, magsuot ng mast at umiwas sa social gatherings.

Hawaii – naghahanda na sa phase 2 ng kanilang pakikipaglaban sa coronavirus disease ang Hawaii matapos ang matagumpay na pagbaba ng infection sa nasabing lugar.

Inanunsyo naman ni Hawaii Gov. David Ige na palalawigin nito ang stay-at-home order at mandatory quarantine hanggang May 31.

Louisiana – kinukwestyon naman si Louisiana Gov. John Bed Edwards dahil sa pagpayag nito na magbukas ang mga simbahan at establisimyento simula May 1.