-- Advertisements --

Ilang programa at event ngayong Pebrero ang kinansela matapos makapagtala ng mga kaso ng Novel-CoronaVirus (nCoV) sa Pilipinas.

Kabilang sa mga kanseladong pagtitipon ay ang taunang Pasinaya festival sa Cultural Center of the Philippines (CCP) na nakatakda sanang ganapin mula February 7 hanggang 9.

Ayon sa pamunuan ng CCP, ito ang kanilang tugon sa payo ng health officials na pagpapaiwas sa publiko sa matataong lugar.

“As the World Health Organization declared the coronavirus as a public health emergency of international concern, we urge the Filipino people not to panic and remain calm. Let us work together to prevent the virus from spreading. Let us remain vigilant and keep safe,” ani CCP artistic director Chris Millado.

Isang multi-arts festival ang Pasinaya na sinimulan noong 2005.

Kanselado rin muna ang pagbisita ng Hollywood actors na sina Noah Centineo at Lana Condor sa February 15.

Ito ang kinumpirma ng online streaming service na Netflix Philippines.

Nakatakda sanang dumalo sa isang fan meet ang dalawa kasabay ng promotion sa sequel ng kanilang pelikulang “To All The Boys: P.S. I Still Love You” sa Makati City.

Samantala, tuloy naman ang 27th Travel Tour Expo ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA) sa February 7 hanggang 9 sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Nangako ang mga organizers ng event na magiging prayoridad nila ang pagpapatupad ng precautionary measures sa mga pupuntang bisita.

“Hand sanitizers/alcohol dispensers will be installed across the venue. Leaflets of advisory on how to avoid infection/contamination will be distributed, and a medical team will be on standby with an ambulance to assist in any medical situation or emergencies.”

“Prioritizing the safety of the staff and customers in light of the recent 2019-nCoV situation, TTE organizers have prepared precautionary measures for attendee reference. There will be mandatory body temperature checks on all access points into the SMX Convention Center.”