Bago pa man ipatupad sa Pilipinas ang distance learning dulot ng coronavirus pandemic, karamihan sa mga Pilipinong mag-aaral ang nahihirapang matuto dahil sa umano’y “traditional taype” ng pag-aaral.
Ayon sa Educational psychologist na si Lizamarie Campoamor-Olegario, mas naging mahirap para sa mga estudyante na mag-aral noong pairalin sa bansa ang alternative learning delivery modalities.
Halos lahat ng mga paaralan ay sinara — at nananatiling nakasara — simula noong Marso 2020 nang magsimula ang health crisis sa Pilipinas na dala ng COVID-19.
Masyado aniyang tradisyonal ang pananaw ng mga Pilipino sa pag-aaral ng mga estudyante at makikita ito sa lahat ng ginagawa natin ngayon.
Ang pagpapatupad ng new learning set up, ayon kay Olegario, ay nagiging dagdag na pasanin hindi lang sa mga mag-aaral ngunit pati na rin sa kanilang mga magulang at mga guro.
Ilang ulit nang nanawagan ang mga youth groups, student councils at iba pang education stakeholders para sa academic break at academic ease sa kabila nang pagpapatupad muli ng mas mahigpit na quarantine measures sa mga lugar na nakikitaan nang pagtaas sa kaso ng coronavirus.