Apat na ospital sa bansa ang kasali sa gagawing clinical trial ng Department of Health (DOH) sa Japanese drug na Avigan bilang posibleng gamot sa COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga pagamutan na magsasagawa ng trials ang Philippine General Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Sta. Ana Hospital at Quirino Memorial Medical Center.
“Medicines are here already, they (Japanese government) have provided us with doses for 100 patients.”
Dumaan na raw sa approval ng Food and Drug Administration ang research ethics board ang target na trials.
“Yung proponent natin si Dr. (Regina) Berba, siya yung gumawa ng protocol, magpapatupad nito in collaboration of these four hospitals.”
Sa August 17 inaasahang magsisimula ang Avigan trials, matapos maurong ang orihinal nitong schedule na August 10.
Donasyon ng Japanese government ang doses ng gamot — orihinal na dinisenyo bilang gamot sa flu — na pinag-aaralan na rin sa naturang bansa.










