-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Lopez, Quezon.

Pinaniniwalaan na nasa 40-anyos ang edad ng biktima.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nasa state of decomposition na ang katawan ng biktima nang ito’y makita.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pinaniniwalaan na wala namang senyales ng physical injury an naturang biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang posibleng pagkakakilanlan ng nasabing biktima.

-- Advertisement --