-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin si Moldovan President Maia Sandu kay Austrian President Alexander Van der Bellen.

Ito ay matapos na kagatin ng kaniyang aso ang kamay ng bumibisitang Austrian President.

Naganap ang insidente habang naglalakad ang dalawang lider sa bakuran ng bahay ng pangulo.

Inilapit ni Van der Bellen ang kamay sa asong si Codrut subalit ito biglang kinagat.

Sinabi ni Sandu na maaring natakot ang aso dahil sa dami ng mga tao sa paligid.

Inampon ni Sandu ang aso matapos na ito ay masagasaan ng kotse.