-- Advertisements --

Kinondina ng United Nations ang ginawang proseso sa Alabama kung saan ipinatupad ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng nitrogen gas.

Unang isinagawa sa buong mundo ang nasabing proseso ng bitayin ang convicted murderer na si Kenneth Eugene Smith.

Ayon sa gobyerno ng Alabama na umabot lamang sa 25 minuto ang proseso at naging makatao ito kumpara sa ibang proseso ng pagpapatupad ng death penalty.

Si Smith ay hinatulan noong 1989 dahi sa pagpatay kay Elizabeth Sennett.

Pinapatay ni Charles Sennett ang asawang si Elizabeth sa pamamagitan ng pagbayad kay Smith.

Isinagawa nito ang pagpatay para makalikom ng pera sa insurance sa asawa dahil ito ay baon sa utang.

Matapos ang ilang araw ay nagpakamatay din si Smith habang isinasagawa ng imbestigasyon.

Ang Alabama at dalawang estado ng US ay inaprubahan ang paggamit ng nitrogen hypoxia bilang alternatibong paraan ng pagbitay dahil ang gamot na ginagamit sa lethal injections ay mahirap ng mahanap.