-- Advertisements --

Kinumpirma ng Boston Celtics na ang kanilang center na si Al Horford ay nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito inilagay muna ng team si Horford sa isolation at hindi na pinayagan na makabiyahe kasama ng koponan para sa two-game exhibition trip sa Florida, kung saan haharapin nila ang Orlando Magic sa Huwebes at kontra naman Miami sa Sabado.

Si Horford ang ikalawang Celtics player na nagpositibo sa virus ngayong buwan kung saan una na ring nahawa si Jaylen Brown nitong nakalipas na Biyernes.

Ang kanilang coach naman na si Ime Udoka ay nagpositibo rin sa COVID-19 bago magsimula ang training camp.

Sa darating na Oktubre 19 na ang simula ng bagong season ng NBA.

-- Advertisement --