-- Advertisements --
image 71

Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na maging aktibo sa paglahok ang mga local government unit (LGU) sa pagpapatupad ng 911 emergency service ng Philippine National Police (PNP).

Partikular na hiniling ni Gatchalian sa DILG na magbigay ng isang road map na magdadala sa bansa sa pagkakaroon ng komprehensibong 911 emergency services coverage.

Sinabi rin ni Gatchalian na kinakailangangan pilitin ng bansa na magkaroon ng 911 emergency services tulad ng 911 services sa Amerika.

Ayon kay DILG Undersecretary Lord Villanueva, ang 911 services sa bansa ay nakapagtatag lamang ng 22 local call centers na itinayo at pinondohan ng iba’t ibang LGUs.

Ibinunyag ni Villanueva na ang 911 emergency services ng bansa ay tumatanggap ng average na 60,000 tawag araw-araw. Hindi kayang palakihin ng DILG ang 911 na serbisyong pang-emergency nito dahil kulang sa pondo.

Halimbawa ni Villanueva, ang DILG ay naglaan lamang ng P26 milyong pondo para sa 911 emergency services noong nakaraang taon. Para sa taong ito, parehong pondo din ang inilaan ng ahensya para sa programa.