Tututuon sa maritime defense, coastal defense, at maritime domain awareness ang 2023 Balikatan exercises sa pagitan mga militar ng Pilipinas at United States.
Ang Balikatan ay ang pinakamalaking taunang pinamumunuan ng Pilipinas na bilateral exercise ng Armed Forces of the Philippines kasama ang US Armed Forces.
Sa unang pagkakataon, ang mga aktibidad sa taong ito ay kinabibilangan ng mga live fire exercises, partikular sa karagatan ng probinsiya ng Zambales.
Sinabi ni Col. Michael Logico, tagapagsalita ng Balikatan 2023, na hindi katulad noong nakaraan, ang ilang mga aktibidad ngayong taon ay gaganapin sa labas ng mga tradisyonal na training areas.
Sa panahon ng live fire exercise sa karagatan, papaputukan at palulubugin ng mga tropang Pilipino at Amerikano ang isang target na sasakyang-pandagat na isang lumang bangkang pangisda.
Ang nasabing aktibidad ay sa gitna ng karagatan na may 12 nautical miles mula sa kalupaan ng Zambales.
Una na rito, mahigit 17,000 sundalong Pilipino at Amerikano ang sumali sa Balikatan 2023, na itinuturing bilang pinakamalaking joint military training exercise.