-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Mariin ang pagtutol ng lokal na pamahalaan ng Aklan sa House bill 1085 o pag-refile ng Boracay Island Development Authority (BIDA) bill sa ilalim ng Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC).

Ang panukalag batas ay natanggap ng House of the Representative noong Hulyo 4, 2022.

Ayon kay Aklan Vice Governor Reynaldo Quimpo, malinaw umanong paglabag ito sa probisyon ng Philippine Constitution at Local Government Code.

Mawawalan umano sila ng karapatan sa kanilang political at territorial administrative jurisdiction sakaling kanilang payagan.

Maliban sa Isla ng Boracay, sasakupin rin nito ang Barangay Caticlan, Malay at isang barangay sa Nabas sa oras na matuloy ang pagpasa sa nasabing panukalang batas.