KALIBO, Aklan- Pinangunahan ni incoming Senate president Juan Miguel Zubiri ang pormal na panunumpa ni Governor-elect Jose Enrique M. Miraflores bilang gobernador ng lalawigan ng Aklan sa ABL Sports and Cultural Complex, Capitol Site sa bayan ng Kalibo.
Sa naging talumpati ni Zubiri, pinasalamatan nito ang mga opisyales na tumulong sa kanyang kandidatura gayundin sa mga mamamayan na bumoto sa kaniya sa nakaraang May 9 national and local elections.
Aniya, malapit ang probinsya ng Aklan sa kaniyang puso kung saan, hiniling nito ang kooperasyon ng lahat ng elected officials para sa ikauunlad ng bansa.
Tiniyak din niya ang suporta sa mga opisyales ng Aklan sa layuning lalo pang mapaunlad ang lalawigan lalo na sa mga nakatakda pang development sa kabila ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa pandemya.










