-- Advertisements --
Nagsagawa ng rally ngayong umaga ang Akbayan Party at ibang labor groups sa labas ng tanggapan ng Commission on Elections sa Maynila para ibasura ang people’s initiative na layong rebisahin ang 1987 constitution.
Hinikayat ni Akbayan Party President Rafaela David ang Comelec na ipawalang-bisa ang mga pirmang nakalap para sa people’s initiative.
Aniya, tungkulin ng Comelec na bantayan ang integridad ng electoral democracy ng bansa at anumang hakbang ng charter change para sa sariling interest ay dapat umanong mariing tutulan ng komisyon.
Naniniwala ang Akbayan Party na panakip-butas lang umano ang cha-cha para sa interest ng political dynasties at traditional politicians ng bansa.