Nag-isyu ng notice to airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ngayong araw matapos mabigo ang inilunsad na military reconnaissance satellite ng North Korea
Epektibo ang naturang notice hanggang Seteymbre 1 ng kasalukuyang taon.
Pansamantala ring isinara ang ilang area navigation segments kung saan magbibigay aniya ng alternatibong ruta para sa aircraft navigation habang ipinapairal ang NOTAM.
Kasunod ng nabigong paglulunsad ng ikalawang sattelite ng North Korea, pinaplano nito ang ikatlong satellite launch attempt sa darating na buwan ng Oktubre.
Una rito, hindi naging matagumpay ang paglulunsad ng North Korea ng bagong satellite vehicle rocket na Chollima-1 na sinasabing “spy satellite” patungo sa orbit matapos na bumagsak din sa karagatan pagkalift-off nito dahil sa malfunction sa ikatlong bahagi ng rocket