Mas hinigpitan pa ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbabantay sa airport operations sa pamamagitan ng pagpapatupad ng internal movement at pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno.

Sa utos ni BI Commissioner Jaime Morente, inilipat na sa kanyang tanggapan ang Travel Control and Enforcement Unit (TCEU).

Ang TCEU ay incharge sa passenger inspections sa magkakaibang international airports.

Sila rin ang tumututok para maharang ang mga posibleng biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Ayon kay Morente, magsisilbi umanong mata at tenga ang mga personnel ng TCEU.

Dagdag ni Morente, nakikipag-ugnayan na raw sila sa iba pang airport agencies para siguruhing na-sanitize ang mga airport immigration area.