CENTRAL MINDANAO-Isa sa mga prayoridad ng bagong halal na Gobernador ng North Cotabato ang pagsasa-ayos ng Central Mindanao Airport sa bayan ng M’lang.

Ito ang tiniyak ni Cotabato 2nd District Incumbent Congresswoman at Governor Elect Nancy Catamco.

Aayusin ang mga kinakailangang papeles para masimulan na ang proyekto at matapos bago ang unang tatlong taong termino nito sa probinsya

Sa unang araw na pag-upo ni Catamco tutukan nito ang gagawing pag-imbentaryo sa mga sasakyan na pag-aari ng provincial government at mga kawani ng kapitolyo.

Dagdag pa ni Catamco na kinakailangan ring i-upgrade ang provincial hospital dahil gagawing na itong regional hospital.

Nakipag-usap na rin si Catamco kay Department of Agriculture Secretary Manny Piñol dahil magkakaroon umano ng agriculture congress.

Kung saan tututukan ng opisyal ang pangunahing hinaing ng mga magsasaka katuwang ang Department of Agriculture.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here