-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang aircon technician sa pamamaril sa Tacurong City.

Nakilala ang biktima na si Ronald Caballero Becodo,29 anyos,may asawa at residente ng Montevista Davao De Oro.

Ayon kay Tacurong City Chief of Police Lieutenant Colonel Joan Maganto na hinold-up ng mga hindi kilalang suspek ang isang tindahan sa Purok Imelda Barangay San Pablo Tacurong City kung saan kinuha ng mga magnanakaw ang pera, pitaka at mga cellphone.

Nagkataon naman na kumakain ang biktima sa tindahan at nilapitan ito ng mga suspek at akmang kukunin ang kanyang cellphone.

Ngunit hindi ibinigay ni Becodo ang kanyang cellphone kaya pinagbabaril ito ng mga magnanakaw gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tacurong City PNP sa panghohold-up at pamamaril patay sa biktima.