Nakatakdang magtanggal ng 15,000 na trabahador ang aerospace giant na Airbus.

Ayon sa kumpanya nasa 1,700 na empleyado ang matatanggal sa United Kingdom kasama ang ilang libong empleyado sa Germany, Spain at ibang bansa.

Ang nasabing hakbang ay ipinarating na sa mga union ng kumpanya.

Magugunitang mula ng magkaroon ng coronavirus pandemic ay maraming mga bansa ang hindi tumanggap ng mga turista at natigil ang mga biyahe ng eroplano.