-- Advertisements --

Kasalukuyan ng nagpapagaling matapos na magpositibo sa COVID-19 si Air Supply singer Russel Hitchcock.

Sa kaniyang social media ay inanunsiyo ng singer ang kaniyang pinagdaanan.

Ayon naman sa kampo nito na bumubuti na ang kaniyang kalagayan.

Wala na aniya itong lagnat at bumalik na ang kaniyang pang-amoy at panlasa.

Sinabi rin ng management ng Air Supply na bakunado na si Hitchcock at kasama nitong singer na si Graham Russel.

-- Advertisement --

Nauna ng ipinagpaliban sa Nobyembre 26 ang kanilang show sa Beverly Hills habang wala pang petsang napili ang kanilang show sa Kentucky.