-- Advertisements --
Naglabas ng himutok ang mga mag-gugulay sa patuloy na vegetable smuggling na nangyayari sa ating bansa, kahit sa kasagsagan ng pandemya.
Ayon kay Agot Balanoy ng La Trinidad Vegetable Trading Areas Association, hindi totoong wala nang pagpupuslit ng gulay na nangyayari sa mga bagsakan.
Katunayan, sa carrots at strawberry pa lang, limpak-limpak na iligal na produkto na ang pumapasok sa ating pamilihan.
Sinabi pa ni Balanoy na humuhupa lang ng sandali ang smuggling kapag napupuna, tulad sa mga hearings, ngunit bumabalik pa rin makalipas ang ilang linggo.