Nananatiling problema pa rin sa bansa ang agricultural smuggling.
Ayon sa Bureau of Customs sa loob lamang ng dalawang araw ay umabot na sa pitong mga bodega at cold storage facilities ang kanilang nadiskubre na nagtatago ng mga smuggled na agricultural products.
Inihalimbawa nila ang operasyon nila sa Navotas kung saan aabot sa P120 milyon na halaga ng mga pinagbabawal na poultry, pork at seafood products ang kanilang nakumpiska.
Pagtitiyak nila na kanilang papanagutin ang mga nasa likod ng mga pagtatago ng mga smuggled agricultural products.
Karamihang mga smuggled na agricultural products ay mula sa China, Brazil, Australia, US at Russia.
Sinabi naman ni Customs Deputy Commissioner Juvymax Uy na nakatulong ang border protection sa pagpasok ng mga smuggled na agricultural products sa bansa.