-- Advertisements --
image 579

Iginiit ng Head ng pinakamalaking business group sa bansa na hindi dapat kalimutan ng Pilipinas na pataasin ang kasanayan ng agricultural workers kahit na sinisikap nitong itaas ang kakayahan ng mga IT worker.

Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and Industry President George Barcelon na habang ang upskilling sa mga industriya tulad ng business process outsourcing at electronics ay mahalaga, dapat pa ring bigyan ng priyoridad ang industriya ng agrikultura at agricultural workers.

Binigyang diin ni Barcelon sa isang forum tungkol sa job and skills mismatch sa bansa na alam naman ng lahat na ang agrikultura ang ‘top of mind’ para sa bansa dahil kailangan natin magkaroon ng food security at food sufficiency.

Dagdag pa ni Barcelon, maaari ding maging malaking job generator ang agrikultura.