-- Advertisements --
kadiwa1

Nananawagan si Agri Partylist Rep. Wilbert Lee sa gobyerno na gawin ng prayoridad ang pagtatayo ng mga kadiwa stores sa buong bansa, lalo at patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi ng mambabatas, ang mga benta sa Kadiwa stores ay nasa mababang presyo na abot kayang bilhin ng mga kababayan nating mahihirap.

Ayon kat Lee hindi aniya nakakapagtaka na mas malaki ang bilang ng mga Pilipinong mas malaki ang ginagasta para sa pagkain ngayon dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kaya ang pinakamainam na solusyon ngayon ay para mabigyan ng access sa mas murang mga bilihin ang ating mga kababayan ay ang pagtatayo ng mga Kadiwa store sa bawat bayan at lungsod sa buong bansa.

Paliwanag nito na ang presyo sa Kadiwa centers ay mababa ng 10 hanggang 20 porsiyento.

Ayon sa Kongresista bilang dating negosyante naiintindihan niya na wala ring magawa ang mga retailers kundi magtaas ng presyo dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo.

Ang pagtatayo ng kadiwa centers ay para labanan ang inflation.

Si Lee Ang principal author ng House Bill No. 3957 at hinimok ang kapwa mambabatas na gawing prayoridad ang nasabing panukala.

Binigyang diin ni Lee na kailangan ng mga permanenteng solusyon para mapababa ang presyo ng pagkain katulad ng karagdagang post-harvest facilities at mga batas na magpapadali at magpapabilis sa transportasyon ng mga produktong agrikultural mula sakahan hanggang hapag-kainan.