-- Advertisements --

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dr. Emil Q. Javier bilang bagong National Scientist.

Batay ito sa Proclamation No. 781 na inilabas ng Malacañang na pirmado mismo ni Pangulong Duterte.

Si Dr. Javier ay isang eksperto sa larangan ng agrikultura at siyang nanguna sa Institute of Plant Breeding sa pagsasapubliko ng mga uri ng pananim na disease-resistant na nagagamit na sa bansa at sa buong Asya.

Isinulong din ni Dr. Javier ang iba’t-ibang polisiya at programa sa paggamit ng mga bagong inobasyon sa agrikultura na siyang nakatutulong sa mga magsasaka at mga mangingisda.

Ang titulong National Scientist ang pinakamataas na pagkilalang ibinibigay ng Pangulo ng Pilipinas sa mga Pilipinong hindi matatawaran ang kontribusyon sa larangan ng Science and Technology.